-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Nasa maayos at wala umanong ‘insignificant activities’ ang nangyari kasunod ng anunsiyo ng Taliban sa kanilang bagong interim government sa Afghanistan.

Ito ang sinabi ng Bombo International Correspondent na si Joel Tongal, ang in-house security ng United Nations High Commissioner for Refugees(UNHCR) sa Jalalabad City sa naging panayam ng Bombo Radyo GenSan.

Nilinaw nito na tinatawag pa na ‘caretaker government’ ang pamahalaan ngayon sa Afghanistan dahil hindi pa kumpeto ang mamahala.

Aniya, patuloy pa ang pag-negotiate ng Taliban sa mga Mullah na uupo bilang minister.

Dagdag ni Tongal, kailangan umano ng Afghanistan ng foreign counterparts upang tuluyan ng mag-stabilize ang bansa matapos sinakop ng Taliban.

Samantala, inihayag nito na ‘business as usual’ ngayon sa Kabul sa kabila ng ilang kilos-protesta.

Bukas ang mga restaurant, bangko, mga malls, tindahan at iba pang establiemento.

Nabatid na si Tongal ay 14 taon na sa Afghanistan at noong March 2021 nakauwi ng Pilipinas.