-- Advertisements --

“No Mercy” ang gagawing pag-trato ng PNP sa mga pulis na ilegal na magpa paputok ng kanilang mga baril ngayong bagong taon.

Ito ang inihayag ni NCRPO director Oscar Albayalde kasunod ng pagkakasangkot ng tatlong pulis sa mga insidente ng indiscriminate firing.

Dalawa sa mga pulis na ito ang naaresto na at sinibak na sa kanilang pwesto, habang pinaghahanap naman ang isa pa.

Babala ni Albayalade, walang second chance na ibibigay sa mga pulis na ito, alinsunod sa direktiba ni PNP chief PDG Ronald Dela Rosa.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Albayalde na walang balak ibalik ng PNP ang dating gawaiin na pagseselyo ng mga baril ng mga pulis bilang pangontra sa indiscriminate firing.

Sinabi ni Albayalde na nais kasi ni PNP chief na ipakita sa publiko na disiplinado ang mga pulis at sumunod sa kautusan ng kanilang higher headquarters kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang iligal na pagpapaputok ng baril.

Umapela naman si Albayalde sa mga pulis na huwag ng magpapaputok ng kanilang baril sa bagong taon.

Hiling naman nito sa publiko na maging alerto at mapagmasid sa paligid at ireport kung may mga kahina hinalang bagay o indibidwal.

Mahigpit din ipapatupad ang one strike policy sa mga police commanders lalo na kapag may mga stray bullet incidents na naitala sa kanilang areas of responsibility.

Una ng tiniyak ni Albayalde na nasa 9,000 na mga pulis ang naka deploy sa Metro Manila para matiyak na maging maayos at mapayapa ang pagsalubong sa bagong taon.

Ibinunyag din ni Albayalde na minimal ang crime trend simula nuong December 16 kung saan isang akyat bahay incident lamang ang naitala.