-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19, ilang bayan sa Aklan ang mahigpit na nagpapatupad ng “No Movement Sunday”.

Ipinaliwanag ni Malinao Mayor Josephine Iquiña, tanging mga authorized person outside of residence, may mga mahalagang bibilhin at transaksyon at essential workers lamang ang pinapayagang lumabas ng kanilang mga bahay tuwing Linggo.

Sarado rin ang lahat ng mga establisimento komersiyal at mahigpit ang pagpapatupad ng border control checkpoints sa bawat barangay.

Tanging botika at gasolinahan ang pinapayagang magbukas sa naturang araw.

Maliban sa Malinao at Banga, pinag-aaralan na rin ng iba pang bayan sa lalawigan ang pagpapatupad ng nasabing patakaran.
Kasalukuyang ipinapatupad sa Aklan ang modified enhanced community quarantine hanggang sa Agosto 15.

Samantala, umabot sa 595 ang bagong kaso ng COVID 19 sa Aklan kahapon matapos bigong makasumite ng datos ang Aklan Provincial Epidemiology Surveillance Unit ng Provincial Health Office simula Agosto 1 hanggang 3.