CENTRAL MINDANAO-Nagpalabas ng panibagong advisory ang Provincial Government ng Cotabato hinggil sa ipinatutupad na “No Movement Sunday”.
Sa ngayon ay “lifted” muna o pansamantalang ititigil ang implementasyon nito upang mabalanse ang takbo ng ekonomiya.
Kahit lifted na ang pinatutupad na no movement Sunday ay hihigpitan pa rin ang pagpapatupad ng minimum public health protocols dahil sa tumataas ng bilang sa mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa probinsya.
Habang ang pagpapatupad ng General Community Quarantine o GCQ status sa probinsya ng Cotabato ay pinigil muna habang nakabinbin sa National Inter-Agency Task Force on Covid 19 (NIATF) ang kahilingan.
Mula ng magpatupad ng no movement Sunday bumulusok pababa ang ekonomiya ng probinsya at malaking lugi na sa mga negosyante.