COTABATO CITY – Balik sa “no movement Sunday” ang lungsod ng Cotabato, simula sa darating ng Linggo, May 9, 2021, ito ay opisyal nang inanunsyo ni Cotabato City Mayor France Cynthia Guiani-Sayadi sa kanyang official FB page.
Napagdesisyunan ito ng LGU Cotabato, matapos na tumaas ang kaso ng CoVID-19 sa Lungsod.
“Because of our rising cases in Cotabato City, our City Inter Agency Task Force on CoViD has decided, on the re-implementation of the NO MOVEMENT SUNDAY starting on May 09, 2021, or this coming Sunday,” ani Mayor Sayadi.
Samantala, mas pinaigting naman ng boarder checkpoint sa mga papasok at lalabas ng lungsod at tanging mga frontline health workers at mga indibidwal na meron important transaksiyon sa lungsod ang maaaring lumabas ng bahay.
Una nito, nitong nakalipas na Martes, sumirit sa 17 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw sa Cotabato City.