-- Advertisements --

ILOILO CITY – Mas hihigpitan pa ng Iloilo City Government ang galaw ng bawat residente ng lungsod kasunod ng patuloy ng paglobo ng COVID-19 cases.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang walang quarantine pass lalo na ang mga nagmula sa Negross Occidental ay hindi papapasukin sa Iloilo City.

Ang mga byahero anya na walang quarantine pass ang huhulihin at pababalikin sa kanilang pinanggalingan.

Matandaan na unang hiniling ng alkalde ng moratorium sa byahe ng sakayang pandagat via Iloilo City- Bacolod City and vice versa ngunit binasura ito ng Philippine Coast Guard dahil wala pa anyang pahintulot mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.