-- Advertisements --
Luluwagan ng Land Transportation Office ang implementasyon ng “no registration, no travel” policy ngayong buwan ng Disyembre.
Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II na ipinag-utos na niya sa lahat ng LTO enforcers na balaan lamang ang mga drayber ang hindi rehistradong sasakyan.
Ito na rin aniya ay para hindi ma-stress ang mga motorista na babyahe ngayong kapaskuhan.
Dahil dito wala na munang titiketan at babalaan nalang muna ang mga mahuhuling sasakyan na hindi pa rehistrado.
Muli silang maghihigpit sa pagpasok ng bagong taon.