CAGAYAN DE ORO CITY – Nais lang umano ng ilang overseas Filipino workers na bigyang paalala ang pamahalaang Pilipinas na gamitin ng tama ang pinaghiparan nila na remittances mula sa kanilang pinagtrabahuan kung saan bansa man sila nakabase.
Ito ang pagsalaysay ng Pinay nurse na nakaharap si Vice President Sara Duterte na si April Joy Inton sa harap ng International Criminal Court detention facility kung saan nag-boluntaryo pa na maging personal health assistant para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
Sinabi nito sa Bombo Radyo Philippines na sinupurtahan niya ang pagliban muna magpadala ng OFWs remittances alinsunod sa nangyari kay Duterte na nais nila mapauwi dahilan na nagtitipon sila sa labas ng ICC headquarters.
Inihayag nito na sana sa ginawa nila na aksyon ay matauhan umano ang gobyerno at mayroong magawang hakbang kung ano ang ipina-intinding mensahe sa global action ng OFWs.
Aniya,naabisuhan na niya ang kanyang mga kaanak sa Pilipinas particular sa bahagi ng Mindanao na wala munang aasahan na remittances simula kahapon hanggang Abril 4 dahil sa pagsuporta niya sa nabanggit na hakbang.