Naninindigan ang Pambansang Pulisya na wala sa leadership ang problema sa mga pulis na hindi sumipot kahapon ng umaga sa Villamor Air Base.
Nasa 53 na mga pulis ang bumiyahe na kahapon patungong Basilan.
Ayon kay PNP Spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na ipinakikita lamang umano ng mga nasabing pulis na sadyang wala silang puwang sa organisasyon kaya kailangang matanggal sila sa serbisyo.
Giit nito na ang hindi pagsipot ng mga pulis para tumungo sa Mindanao ay nagpapakita lamang ng pagnanais nilang mapalayas talaga sa serbisyo.
Aniya, ang mga pulis na ipinatapon sa Mindanao ay hindi naman mananatili doon ng habambuhay.
Maaari namang makabalik pa rito sa Metro Manila ang mga pulis na ipinadala sa Mindanao.
Pahayag ni Carlos na pinapayagan naman nilang mag break ang mga pulis kaakibat ng pagpa file ng leave of absence ng mga ito kung gustong makasama ang kanilang pamilya.
Hindi naman aniya ibig sabihing sa buong panahon ng kanilang re assignment ay naroon sila sa mindanao at hindi papayagang makasilip man lang sa lagay ng kanilang mga mahal sa buhay dito sa Luzon.
Sinabi ni Carlos na prioridad ding makadalo ang mga pulis na ito sa pagdinig ng korte sa kinakaharap nilang kaso kaya kailangan silang bumalik dito sa Metro Manila.