-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Matagumpay ang implementasyon ng “No Skirt Policy” sa mga para-publiko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Benguet sa nakaraang isang buwan.

Iminungkahi ng Benguet Provincial Office ang temporaryong pagsuspinde sa pagsusuot ng mga estudyante ng uniporme nilang palda at ito ay sinang-ayunan naman ni Benguet Governor Melchor Diclas.

Ayon kay Schools Division Superintendent-DepEd Benguet Marie Carolyn Verano, nagsusuot muna ang mga babaeng estudyante ng mga jogging pants at pantalon para makaiwas ang mga ito sa kagat ng lamok na may dalang dengue virus.

Ayon sa DepEd-Benguet, lahat ng mga paaralan sa lalawigan ay sumunod sa “No Skirt Policy” bilang bahagi ng kampanya laban sa dengue.