Sinusuportahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang Senate Bill (SB) 2475 na naglalayong protektahan ang mga empleyado mula sa pagtatrabaho nang lampas sa kanilang itinalagang oras, partikular sa panahon ng work from home (WFH) na kasalukuyang set up sa gitna ng pandemya.
Ang SB 2475, na tinatawag na “Workers Rest Law,” ay pipigil sa mga employer na magbigay ng “unli-work from home” o magtalaga ng mga gawain at magdaos ng mga pagpupulong na lampas sa itinalagang oras ng trabaho.
Sa mas maraming Pilipinong nagtatrabaho mula sa bahay dahil sa pandemya, nais ng CHR na mapanatili ang mga boundary sa pagitan ng trabaho at pahinga, na sa kasamaang palad ay malabo dahil sa kasalukuyang setup.
Ayon CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia ang ““line between work and rest ” ay lumabo dahil sa work-from-home setup, at inabuso ng ilang employer ang accessibility ng mga empleyado sa tulong ng teknolohiya.
Nakasaad din sa SB 2475 na ang mga employer ay pinagbabawalan ng diskriminasyon laban sa kanilang mga empleyado na na iginigiit ang kanilang karapatang magpahinga.