DAVAO CITY – Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-11 na hindi pa maaaring ipatupad dito sa lungsod ang kautusan na no vaccination card no ride sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon pa kay Misarah Arraz, administrative officer V ng LTFRB 11 sa kasalukuyan wala pang direktiba ang LTFRB Board para sa pagpapatupad sa nasabing polisiya dito sa lungsod at ipapatupad muna ito sa NCR.
Dagdag pa ni Arraz kahit na balik sa alert level 3, walang ipapatupad na pagbabago sa mga polisiya sa mga Public utility vehicles gaya na lamang 70% sitting capacity.
Nanawagan rin ang LTFRB sa lahat ng mga drivers at operators sa mga pampublikong sakyanan na sumunod sa kautusan na hindi magpasakay ng sobra sa kapasidad para maiwasan ang transmission ng virus.
Mahigpit rin ngayon ang ginagawang monitoring ng mga personahe ng LTO laban sa mga PUV drivers na lalabag sa 70% minimum capacity kung saan marami na ang nahuli ng otoridad.