-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi papayagan na makapasok sa Iloilo City Hall ang mga hindi fully vaccinated na indibidwal sa loob ng isang linggo simula ngayong araw.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na layunin ng nasabing hakbang ay masugpo ang hawaan ng COVID-19 Delta variant na sa ngayon ay nakapasok na sa lungsod.

Ayon kay Treñas,enclosed structure ang Iloilo City Hall kaya nararapat na maprotektahan ang lahat ng mga empleyado at staff laban sa virus.

Napag-alaman na sa ngayon ay nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) pa rin ang Iloilo City.