-- Advertisements --
ILOILO CITY – Mahigpit na ipinapatupad ng Iloilo City Government ang no vaccination card, no entry policy sa plaza sa Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conlu, spokesperson ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Team, sinabi nitong ang nasabing mga alituntunin ay unang ipinatupad sa Molo Plaza dahil ito aniya ang mas dinadagsa ng mga tao lalo na kapag gabi.
Aniya bago pumasok sa mga plaza, nararapat munang ipakita ang vaccination card.
Lilimitahan rin daw sa 75 hanggang 100 katao ang papayagan na pumasok sa mga plaza upang maiwasan ang COVID-19 surge.