-- Advertisements --

Mandatory na sa mga national athletes at coaches na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ngayong taon ay kailangan na ang bakuna muna laban sa COVID-19.

Ayon sa Vietnamese organization ipapatupad nila ang “no vaccine, no participation” policy.

Vietnam logo seag

Kinumpirma naman ito ni Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino na dumalo sa ginanap na SEA Games Federation meeting na pinangunahan ng Vietnam SEA Games Organizing Committee.

Sa naturang pagpupulong tiniyak daw ng mga organizers na matutuloy ang SEA Games sa November 21 hanggang December 2 sa kabila ng pandemya.

Sinasabing ang mga atleta sa ibang mga bansa sa Southeast Asia ay nabakunahan na at mga Pinoy athletes na lamang ang nahuhuli.

Ang POC ay sumulat na rin sa IATF upang isama sila sa nga prayoridad vaccination program.

Ang Pilipinas na siyang kampeon sa SEA Games noong 2019 ay balak magpadala ng 600 na mga atleta.