ILOILO CITY – Sisimulan na ngayong araw ang pagpapatupad ng “No Vaccination Card, No Ride” policy sa iilang Public Utility Jeepneys (PUJs) sa lungsod ng Iloilo.
Sa eksklsusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Raymundo Boyet Parcon, presidente ng Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association (ICLAJODA), sinabi nito na nakapaskil na ang “No Vaccine Card, No Ride” na posters sa ilang units nga jeep na sakop nga kanilang grupo.
Aminado si Parcon na hindi lahat ng pasahero ay mababantayan ng mga drivers at mahihirapan rin ang mga drivers sa pagpapatupad ng naturang polisa.
Umapela rin ito sa gobyerno na maglagay ng checkpoint sa barangay level upang hindi makakalabas ang unvaccinated individuals.
Handa rin umano ang mga drivers na sundin ang 70% seating capacity.
Napag-alamang isinailalim sa Alert Level 3 status ang lungsod at na magtatagal hanggang Enero 15.