-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magpapatupad ng ‘No vaccine, no work’ policy ang Guimaras Provincial Government.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guimaras Vice Governor Atty. John Edward Gando, sinabi nito na magsisimula na susunod na linggo ang hindi nila pagtanggap na makapasok sa tanggapan ng Guimaras Provincial Government ang mga empleyado na hindi fully vaccinated.

Ayon sa bise-gobernador, hindi rin papayagan na makakapasok sa Kapitolyo ang mga tumututol na magpabakuna.

Nilinaw naman ni Gando na ang local government unit ng Guimaras ay hindi sakop sa mga alituntunin ng Department of Labor and Employment at Department of Health kung kaya’t may kapangyarihan ang probinsya na magpatupad ng sariling hakbang upang malabanan ang COVID-19.