-- Advertisements --

Istriktong ipapatupad ng Phil. Army ang “No vaccination, no entry” policy sa Fort Bonifacio sa Taguig City.


Ayon kay Lt. Col. Ritchiemel Caballes, Acting Commander ng 191st Military Police Battalion ng Installation Management Command, alinsunod ito sa mga health protocols na ipinatutupad sa loob ng kampo.

Ito’y matapos paalalahanan ng Office of the Army Chief Surgeon (OACS) ang lahat ng army health unit na patuloy na ipatupad ang minimum health standards sa gitna ng banta ng Omicron variant ng Corona virus.

Pinahahanda rin ng OACS ang mga army medical facilities para sa possibleng “surge” ng Covid 19 cases dahil sa mas-nakakahawang omicron variant.

Ang paalala ay ginawa sa isang virtual meeting kahapon ng mga Infectious disease control officers sa Army Headquarters na pinangunahan ni Army Operations Center Chief Maj. Christian Agonos.