-- Advertisements --

Tuluyang kinansela ng organizers ng Nobel Peace Prize kanilang gagawing seremonya sa Disyembre dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Isinasagawa kasi ang awarding sa Disyembre 10 kasabay ng anibersaryo ng pagkamatay ng prize founder na si Alfred Nobel noong 1896.

Gaganapin sana ito sa auditorium ng Oslo University subalit dahil sa epekto pa rin ng coronavirus ay kinansela na ito.

Noong Hulyo ay unang inanunsiyo ang kanselasyon ng Nobel banguet sa Stockholm para sa mga nagwagi sa larangan ng medicine, physics, chemistry, literature at economics.

Dahil dito ay posibleng gawin na lamang virtual ang ceremony sa susunod na taon.

Ang Nobel ay kinabibilangan ng gold medal, diploma cash prize na aabot sa $1 million.