Kanselado ngayong taon ang physical Nobel Peace Prize ceremony dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Nobel Foundations, na ito ang kanilang napagdesisyuna matapos ang ginawa nilang pagpupulong.
Imbes na sa taunang ceremony sa Stockholm, Sweden ay tatanggapin na ng mga mananalo ang kanilang award sa kani-kanilang mga kabahayan.
Ipapalabas na lamang ang ceremony sa telebisyon at sa mga social media.
Isasagawa naman ang announcement sa Nobel Prizes sa medicines, physics, chemistry, literature, peace and economics mula Oktubre 4-11.
Noong nakaraang taon din ay kinansela na rin ang physical program ng Nobel Prize dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang Nobel Prizes ay itinaguyod ng Swedish dynamite inventor at negsoyanteng si Alfred Nobel na noon pang 1901 ay sila nag-aaward.