-- Advertisements --

Pumanaw na ang Nobel Peace Prize winner at kilalang politician sa Northern Ireland na si John Hume sa edad 83.

Ayon sa kampo nito, may matagal na itong iniindang sakit at ito ay pumanaw na sa Londoderry nursing home.

Nasa pulitika ito ng 30 taon at gumawa ng hakbang para tuluyang mahinto ang kaguluhan.

Naging founding member siya ng Social Democratic at Labour Party (SDLP) noong 1970 at namuno sa partido mula 1979 hanggang 2001.

Pinamunuhan niya ang usaping pangkapayapaan na nagbunsod sa Good Friday Agreement noong 1998.