Kinondena ng mga republicans ang komento ni US Speaker Nancy Pelosi patungkol sa biglang pag-atras ni Atty. Gen. William Barr na humarap sa US Senate upang depensahan ang kanyang sarili.
Inakusahan ni Pelosi na nagsisinungaling umano si Barr sa harapan ng kongreso matapos nitong sabihin na hindi niya batid ang hinaing ni Robert Mueller sa inilabas nitong four-page summary ng kanyang report.
Ito ay matapos magpaabot ng sulat si Mueller kay Barr na kulang daw ang konteksto ng inilabas nitong report patungkol sa di-umano’y pakikipag-ugnayan ni US President Donald Trump sa Russia noong 2016 presidential elections.
Sa kabila ng akusasyon na ito, hindi nagpatinag ang White House at iginiit nilang may karapatan umano si Trump na utusan ang kanyang mga adviser na huwag tumestigo sa congressional panels.
Hindi naman nagpahuli si Department of Justice spokeswoman Kerri Kupec at pinatutsadahan din nito si Pelosi dahil iresponsable at wala raw dahilan ang pag-atake nito laban kay Barr.