-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nahuli na ng mga tauhan ng Surigao City Police Station ang nobyo ng 16-anyos na dalagitang anak ng isang inang pinagtataga-patay sa Sitio Looc, Brgy. Luna, Surigao City kagahapon kasama ang dalawa pa nitong mga anak .

Nakilala ang mga biktimang sina Mylene Golloso Virgen, 40-anyos, may asawa at ang anak nitong lalaki na 13- anyos at anak na babaeng may edad na 9-anyos.

Ayon kay PLCol Diomedes Cuadra Jr., ang hepe ng Surigao City Police Station, base sa kanilang imbistigasyon, kaduda-duda umano ang mga galaw at emosyon ng dalagita sa kanilang imbestigasyon matapos na hindi ito consistent sa kanyang mga sagot.

Nalaman ng pulisya na hindi naging maganda ang relasyon ng mag-iina, dahil tutol ito sa relasyon ng 16-anyos na dalagitang anak at dito na nalaman na kagagawan pala ng nobyo nitong si Alejandro Cortez, 20-anyos na taga-Basilisa, Dinagat Island Province ang nasabing kremin.