Tiniyak ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang 300 empleyado ng Philippine Airlines (PAL) na tinanggal dahil sa naging epekto ng COVID-19 sa operasyon ng kompaniya.
Ayon kay Sec. Nograles maaaring bigyan ng libreng training sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga nawalan ng trabaho na PAL employees.
Nakikipag-coordinate na rin daw ang Labor department sa mga na-dismiss na empleyado para mabigyan ng panibagong oportunidad.
Dahil sa pagkalat ng COVID-19, pansamantalang sinuspinde ang flights ng mga paliparan at airline companies sa China, Hong Kong at Macau.
Direktiba ito ng Pangulong Duterte dahil sa nabanggit na rehiyon naitala ang outbreak, gayundin ang pinakamaraming bilang ng mga nagkasakit at namatay.