-- Advertisements --
Nakahanda si House Assistant Majority Leader, at PBA PArtylist Rep. Margarita Nograles na sumalang sa drug at neuropsychiatric test.
Ito ay bilang tugon sa hamon ni Vice President Sara Duterte na magpa-test ang mga kongresista.
Si Rep. Nograles ay bahagi ng Young Guns ng House of Representatives.
Pinangalananan ni VP Sara sina Nograles, maski ang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi ni Nograles na ipapa-schedule niya ang tests sa susunod na mga araw.
Wala umanong problema sa kanya na magpasuri.
Una nang sinabi ni VP Sara na bukas siya sa televised na neuro exam.
“ Sure, no problem with me. I will schedule tests within the next few days,” mensahe ni Rep. Nograles.