-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na target pa rin ng pamahalaan na bawasan ng 50% ang hunger rate sa Pilipinas.

Pahayag ito ni Nograles sa gitna ng pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin.

Ayon kay Nograles na siya ring pinuno ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger, gumawa na raw ng hakbang ang gobyerno para tiyaking sapat ang suplay ng pagkain upang makontrol ang presyo ng bilihin.

Nabanggit din ni Nograles ang balak ng Department of Agriculture na magpatupad ng price freeze o tigil-paggalaw sa presyo ng baboy at manok sa merkado.

Sinisikap na rin aniya ng pamahalaan na pigilan ang pagtaas ng presyo ng itlog na alternatibong pinagkukunan ng protina.

Plano rin daw ni Nograles na maglunsad ng kampanya para isulong ang community gardening upang masigurong sapat ang suplay ng gulay sa mga pamilihan.