-- Advertisements --

WASHINGTON – Naniniwala si US President Donald Trump na hindi umano yayabong ang ekonomiya ng North Korea kung patuloy ang kanilang paggawa ng nuclear weapons.

“North Korea has an incredible, brilliant economic future if they make a deal, but they don’t have any economic future if they have nuclear weapons,” wika ni Trump sa isang talumpati sa Conservative Political Action Conference.

Dagdag ni Trump, mistulang “very, very strong” ang relasyon nila ng Pyongyang.

Ang nasabing pahayag ni Trump ay kasabay ng kumpirmasyon ng Pentagon na pumayag ang Estados Unidos at South Korea na ihinto na lang kanilang malakihang military exercises.

Sa isang pahayag, sinabi ni acting Pentagon Chief Patrick Shanahan, nakipag-usap daw ito sa kanyang counterpart sa Seoul at nagkasundo ang mga ito na umangkop sa kanilang mga training program.

Naglabas din ng kahalintulad na pahayag ang militar ng South Korea.

Samantala, ayon sa isang South Korean official, nakatakdang magtungo ngayong linggo sa Estados Unidos si Special Representative for Korean Peninsula Peace and Security Affairs Lee Do-hoon upang talakayin ang naganap na US-North Korea summit. (Reuters)