Muling nagbanta ang North Korea hinggil sa nalalapit na U.S-South Korean military exercise na maaari nitong maapektuhan ang pagpapatuloy ng nuclear negotiation at inamin ang posibilidad na muli nitong ibabalik ang nuclear o missile tests.
Nagbunsod ang desisyong ito ng North Korea matapos ang naging pahayag ni US Secretary of State Mike Pompeo na umaasa raw itong mas magiging makabuluhan ang susunod na pag-uusap sa pagitan ng Pyongyang at Washington.
Sa inilabas na pahayag ng North Korea’s foreign ministry, ang isasagawa umanong military drills ay bilang pagsasanay sa gyera ng South Korea.
Ayon pa rito, unti-unti na raw nawawalan ng tiwala ang naturang bansa na tutuparin ang Estados Unidos sa mga panagakong binitawan nito para sa North Korea.
Una na rito ay nagkaroon ng kasunduan sina US President Donald Triump at North Korean leader Kim Jong Un na ipagpapatuloy ng dalawang pinuno ang kanilang working-level talks matapos nilangf magkita sa Korean border noong Hunyo.
Gigil naman ang U.S administration na magkaroon na ng deadlock kasunod ang bigong summit sa pagitan nina Trump at Kim sa Vietnam noong Pebrero.