-- Advertisements --

Inakusahan ng North Korea ang isang estudyanteng Australian ng pang-iispiya para sa ilanig mga news outlets.

Ang 29-year-old na si Alek Sigley, na napaulat na nawawala noong HUling bahagi ng Hunyo, ay pinakawalan noong Huwebes matapos makipagpulong ang mga Swedish officials sa kinatawan ng North Korean government sa Pyongyang.

Ayon sa state news agency na KCNA, nagsalin umano ng impormasyon si Sigley na nakalap nito habang nasa Pyongyang at gamit ang kanyang status bilang international student.

Dagdag ng KCNA, ginawa niya raw ito base na rin sa hiling ng mga outlets na kontra sa North Korea gaya ng NK News, na isa sa mga websites na naglalathala ng mga gawa ni Sigley.

Napagpasyahan din daw ng gobyerno ng Pyongyang na ipa-deport ito dahil sa humanitarian reasons makaraang umamin ito na nang-iispiya.

Humingi rin daw ito sa kanila ng tawad dahil sa paglabag sa kanilang soberenya.

Dumipensa naman ang NK News kung saan iginiit nito na hindi raw nila naging espiya ang Australian.

“The six articles Alek published represent the full extent of his work with us and the idea that those columns, published transparently under his name between January and April 2019, are ‘anti-state’ in nature is a misrepresentation which we reject,” saad sa pahayag ng outlet. (BBC)