Nagbabala ang North Korea na ikukunsidera na nitong ‘declaration of war’ kung sakaling pumasok muli ang drone ng South Korea sa airspace nito.
Una nang iniulat ng NoKor na tatlong beses nang pumasok ang military drone ng SoKor sa himpapawid nito ngayong buwan ng Oktobre para lamang magpakalat ng mga propaganda leaflets; bagay na itinatanggi naman ng SoKor.
Ayon sa North Korean Defense Ministry, kapag nakakita pa ito ng mga kahalintulad na drone, agad na umano nila itong ikukunsidera bilang declaration of war at agad gagawa ng akmang tugon.
Ayon sa NoKor, hindi ito mag-aatubili na gumawa ng nararapat na military response sakaling maulit pa ang pagpapalipad ng drone.
Maalalang sa unang ulat ng NoKor ay isinasaad nitong pumasok sa himpapawid ng Pyongyang ang mga drone at tiyak na hindi ito maaaring pinalipad ng isang civilian organization lamang.
Giit ng NoKor, kailangan pa kasi ng runway upang mapalipad ang mga naturang drone.