Isang South Korean diplomat ang nagbulgar na ang North Korean leader na si Kim Jong Un ay nakaratay na raw sa coma dahil sa matinding karamdaman.
Dahil dito ang kapatid daw nito na babae na si Kim Yo Jong, ang papalit na para pamunuan ng kumunistang bansa.
Ang nagbulgar ay kinilalang si Chang Song-min, isang dating aide ni dating South Korea President Kim Dae-jung.
Ayon kay Chang, bagamat nasa coma si Kim pero gumagana pa naman ang ibang sistema ng katawan ng opisyal.
Una rito, noong nakalipas lamang na araw iniluat ng spy agency ng South Korea na ang 36-anyos na si Kim ay nagdesisyon na ang kaniyang ibang kapangyarihan ay hinati na sa iba pang opisyal kasama na ang sa kapatid na babae.
Hindi ito ang unang mga haka-haka na lumutang sa kalagayan ng pinuno ng North Korea.
Kamakailan lamang, naglabas pa ang gobyerno ng NoKor ng larawan na nakasakay pa sa kabayo si Kim upang patunayan na malusog daw ito at walang sakit.