-- Advertisements --

Kinumpirma ng North Korea expert na si Harry Kazianis na ginamit ni North Korean leader Kim Jong Un at ng kaniyang pamilya ang experimental coronavirus vaccine na ibinigay ng China.

Sinabi nito na kahit ang ilang mga senior North Korean officials ay gumamit na rin sa nasabing bakuna.

North Korea NoKor Kim Jung Un
North Korean leader Kim Jong-un (Photo from KCNA)

Ngunit nilinaw nito na hindi pa malinaw kung anong kompaniya ang nagsuplay sa nasabing bakuna.

Hindi rin nila alam kung epektibo o safe ba itong gamitin.

Nauna nang sinabi ni US medical scientist Peter Hotez, na tatlong Chinese companies ay bumuo ng coronavirus vaccine na kinabibilangan ng Sinovac Biotech Ltd, CanSinoBio at Sinophram Group.

Napag-alaman na ang North Korea ay wala pang anumang nakumpirma na impeksyon sa coronavirus disease.