-- Advertisements --
Humingi nang paumanhin si North Korean leader Kim Jong Un matapos na mapatay ng kanyang tauhan ang isang residente mula sa South Korea.
Ipinaabot ng lider ng kumunistang bansa ang paghingi nang paumanhin sa pamamagitan nang sulat kay President Moon Jae In.
Ayon sa ilang analyst, pambihira ang ginawa ni Kim na sumulat pa.
Una rito, ilang mamamayan sa South Korea ang galit na galit at pinatay ang sibilyan na kanilang kababayan ng mga North Korean soldiers.
Sinasabing pumasok daw ito sa pamamagitan ng pagtawid sa karagatan.
Umugong tuloy ang isyu na baka may umiiral na shoot-to-kill order sa mga tatawid sa border ng North Korea para hindi kumalat ang may dalang coronavirus.