Naglabas ng shoot-to-kill order ang mga otoridad sa North Korea upang mapigilan umano ang pagpasok ng coronavirus sa kanilang bansa mula sa China.
Ayon kay US Forces Korea (USFK) commander Robert Abrams, ang pagsasara ng border ng North Korea sa China ay nagpataas sa demand para sa mga kontrabando, dahilan para manghimasok na ang mga kinauukulan.
Pagllahad pa ni Abrams, inilunsad din ng Pyongyang ang panibagong buffer zone na may layong isa hanggang dalawang kilometro sa Chinese border.
Sa nasabing lugar nakabantay ang ang special operations forces ng North Korea, na siyang magsasagawa ng shoot-to-kill orders.
Mas napabilis din umano ng border closure ang epekto ng economic sanctions na ipinataw sa North Korea dahil sa kanilang nuclear programs kung saan bumulusok daw ng 85 percent ang mga import mula sa China.
Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 ang naturang bansa, na isinara ang kanilang border sa China noon pang Enero bilang pag-iingat sa virus. (AFP)