-- Advertisements --
Nagpakawala ng ballistic missile sa karagatang bahagi ng Japan ang North Korea ayon sa South Korea’s military.
Lumabas ang nasabing impormasyon matapos nagpulong ang South Korea, Japan at US intelligence chief upang pag-usapan ang North Korea.
Patuloy pa rin ang pagkakaroon ng weapons programme ng North Korea sa kabila ng mahigpit na international sanctions.
Partikular na ipinagbabawal ng United Nations ang mga ballistic missile testing pati na rin ang mga nuclear weapons.