-- Advertisements --
SEOUL, South Korea – Muling nagpalipad ng dalawang missile sa karagatan ang North Korea nitong weekend.
Ayon sa South Korean authorities, ito na ang ikalimang pagkakataon na nagpakawala ng short-range ballistic missiles ang Pyongyang sa loob lamang ng mga nakalipas na mga linggo.
Kung makukumpirma ang panibagong aktibidad na ito, lalabas na paglabag iyon sa 11 UN security Council resolutions.
Bago ito, nakatanggap si US President Donald Trump ng liham mula kay North Korean Supreme Leader Kim Jong-un na nagsasabing hindi nito ikinatuwa ang US-South Korea joint military exercises. (BBC)