-- Advertisements --

Naglunsad ang North Korea ng intercontinental ballistic missile (ICBM) test ngayong Huwebes.

Nagtagal sa ere ng 86 na minuto ang pinalipad na ipinagbabawal na missile ng NoKor at naabot ang distansiyang mahigit 1,000 km. Ito na ang itinuturing na longest-ever flight na naitala mula sa pinakahuling pinakawalang ICBM noong Disyembre 2023 na tumagal sa ere ng 73 minuto at nasaklaw ang 1,000 km.

Pumalo sa 7,000 km o katumbas ng 4,350 milya ang taas ng pinakawalang ICBM ngayong Huwebes. Bumagsak naman ito sa katubigan sa may east coast ng NoKor.

Ginawa ng NoKor ang panibagong ICBM test sa ilalim ng rehimen ni Kim Jong Un, bilang pagpapakita ng defiance matapos batikusin ng South Korea at Amerika ang kaniyang hakbang na magpadala ng mga sundalo sa kaalyado nilang Russia.

Ayon naman sa Defense Ministry ng South Korea, layunin ng naturang missile test na gumawa ng mga weapon na kayang mapaputok ng mas malayo at mas mataas.

Kaugnay nito, papatawan ng SoKor ng panibagong sanctions ang NoKor bilang tugon sa inilunsad nitong ICBM.

Tinawag naman ng Amerika ang hakbang ng NoKor na isang garapal na paglabag ng maraming resolution ng UN Security Council.

Samantala, sa pambihirang pagkakataon, naglabas ng pahayag si North Korean leader Kim Jong Un sa parehong araw na inilunsad ang missile test. Aniya, pagpapakita umano ito ng kanilang pagtugon sa kanilang mga kaaway at inilarawan ito bilang isang ‘appropriate military action’.