-- Advertisements --
Kinumpirma ng spy agency ng South Korea na nagpadala ang North Korea ng mas marami pang mga sundalo sa Russia nitong Huwebes, Pebrero 27.
Ilan sa mga ito ay muling idineploy sa frontline sa Kursk region.
Nauna ng sinabi ng South Korean at Western intelligence agencies na nagpadala ang North Korea ng mahigit 10,000 sundalo nito sa Russia noong nakalipas na taon para tumulong na labanan ang opensiba ng Ukraine sa Kursk border region.
Sa ngayon wala pang kumpirmasyon ang panig ng Russia o North Korea kaugnay sa deployment ng mga sundalo.
Matatandaan na pinalalim pa ng North Korea at Russia ang kanilang political, military at cultural ties simula ng ilunsad ng Russia ang full-scale invasion nito sa Ukraine noong Pebrero 2022.