-- Advertisements --

Wala pang detalyeng inilalabas ang Seoul’s Joint Chiefs of Staff na magkukumpirma sa uri ng pampasabog na muling pinakawalan ng North Korea sa Silangang karagatan ng South Korea.

Kasunod ito ng pahayag ng North Korea na hindi umano ito natutuwa sa mabagal na progreso ng nuclear negotiations nito kasama ang United States.

Patuloy din ang pamimilit nito sa Trump administration na tanggalin ang mga ipinataw nitong sanctions sa Pyongyang.

Noong nakaraang buwan din nang magsagawa ng test-fire ang North Korea ng isang underwater-launched ballistic missile sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa kasalukuyan, hinaharap ngayon ng naturang bansa ang iba’t ibang international sanctions na naglalayong ipagbawal ang kanilang isinasagawang nuclear weapon at ballistic missile programmes.