Inobserbahan umano mismo ni North Korean leader Kim Jong-un ang pagsasagawa ng test-fire sa panibagong uri ng isang “tactical guided weapon.â€
Batay sa ulat ng state media, pinanood ni Kim ang pag-testing ng Academy of Defense Science sa hindi pa matukoy na uri ng sandata.
Isinalang din umano ang nasabing armas sa iba’t ibang modes of firing sa magkakaibang mga targets, na ayon sa mga eksperto ay posible raw itong mailunsad mula sa lupa, dagat, o himpapawid.
Gayunman, sinabi ng mga analysts na hindi pa raw ito ang pagbabalik ng long-range missile tests na itinuring na banta ng Estados Unidos.
Kasabay nito, inihayag ng Pyongyang na nais na nilang tanggalin sa nuclear talks si US Secretary of State Mike Pompeo.
Sa pahayag mula sa KCNA news agency, dapat umano ay mas maingat at mas mature sa pakikipag-usap ang ipalit kay Pompeo.
Inakusahan din ng Foreign Ministry ng North Korea si Pompeo na binabalewala ang bigat ng mga pahayag ni Kim, na nagbigay ng hanggang katapusan ng taon sa Washington upang makagawa ng isang “matapang na pasya†at makapag-aalok ng isang kasunduang paborable sa magkabilang panig. (AP/ BBC)