-- Advertisements --

Mariing kinondena ng pamunuan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ang pagpatay ng teroristang New Peoples Army (NPA) sa isang municipal councilor sa Baggao, Cagayan kahapon.

Tinukoy ang grupong Henry Abraham Command ang nasa likod sa pagpatay sa konsehal na nakilalang si Hon. Angelo Luis, 56-anyos.

Tinawag na treacherous o manpandaya na aksiyon sa pagpatay dahil nagpanggap na mga sundalo ang mga teroristang NPA.

Ayon kay Northern Luzon Command (Nolcom) spokesperson Lt. Col. Isagani Nato ang nasabing aksiyon ng NPA ay patunay lamang sa tunay nilang intensiyon na maglunsad ng mga terroristic actrivities at takutin ang mga
sibilyan.

“This futher manifest that the NPA Terrorists disregard the rights and the right to life of their innocent
victims,” pahayag ni Nato.

Sinabi ni Nato na nasa 30 armadong NPA terrorists na nakasuot ng military uniform ang nagtungo sa bahay ng konsehal at saka pinaulanan ng bala.

Kasalukuyang naglunsad na ng hot pursuit operations ang militar sa lugar laban sa mga NPA.

Pinalakas din ng militar ang kanilang seguridad lalo na sa mga kampo na kilalang NPA infested areas.