Mariing kinondena ng pamunuan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ang pagpatay ng NPA sa isang konsehal sa Allacapan, Cagayan.
Kinilala ni NolCom spokesperson Lt Col. Isagani Nato, ang biktima na si incumbent sangguniang bayan member Ronel “Zaldy” Millare, na isang retiradong pulis.
Si Millare ay binaril ng mga hindi kilalang motorcycle-riding gunmen sa kanyang welding shop sa bgy Labben, Allacapan, bansang alas 5:30 ng hapon kahapon.
Matapos ang insidente ay inako ng Communist New People’s Army Terrorist Group (CNTG) sa ilalim ng Danilo Ben Command, NPA West Cagayan ang pagpatay kay Millare, na kanilang inakusahan na ispiya ng military intelligence.
Ipinaabot ng NOLCOM, at ng liderato ng Cagayan sa pamumuno ni Governor Manuel Mamba, Chairman of Provincial Peace and Order Council (PPOC), ang pakikiramay sa mga naulila ni Councilor Millare.
Kasabay ito ng pagtiyak na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng konsehal at pananagutin ang NPA sa kanilang karumal dumal na krimen.