Pinangalanan bilang bagong chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kilalang sportsman na si Noli Eala.
Ito ang inanunsiyo ng Malacañang sa pamamagitan ng isang liham na nilagdaan ni Executive Secretary Vic Rodriguez.
Si Atty. Eala ay isang sports figure sa maraming taon at siya ang ika-anim ba commissioner ng Philippine Basketball Association (PBA) na nagsilbi sa naturang posisyon mula taong 2003 hanggang 2007.
Bago ang kaniyang appointment, nagtrabaho din si Eala bilang sports broadcaster para sa isang radio program.
Si Eala din ang tiyuhin ng Filipina teen tennis sensation na si Alex Eala na nagrepresenta sa bansa sa iba’t ibang international tournaments gaya ng Southeast Asian Games.
Kaniyang hahalinhinan si William “Butch” Ramirez na natatanging chairman at sports leader ng bansa na nagsilbi ng dalawang termino mula 2005 hanggang 2009 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at noong 2016 onwards sa ilalim naman ng Duterte adminsitration.