-- Advertisements --
Nanguna ang pelikulang “Nomadland” at “Rocks” sa dami ng nominasyon sa British Academy of Film and Television Arts (BAFTA).
Kapwa nakakuha ng tig-pitong nominasyon sa nasabing award giving body ang nasabing mga pelikula.
Mayroon namang tig-anim na nominasyon ang mga pelikulang “The Father” , “Mank”, “Promising Young Woman” at “Minari”.
Ang best director category ay mayroong apat na babaeng nominado kabilang na si Chloe Zhao ng “Nomaland”.
Mahigit kalahati naman sa 24 nominees ay mga actors na iba’t-ibang lahi.
Nagkaroon kasi ng malaking pagbabago mula noong nakaraang taon ng pawang mga white actors lamang ang kinuha ng BAFTA na nagbunsod sa batikos.
Isasagawa sa Abril 11 ang nasabing pagbiibgay pagkilala ng Britanya sa mga pelikula.