May mga paglilinaw si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sa pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kay Raphael Perpetuo Lotilla bilang kalihim ng Department of Energy (DOE).
Sinabi ni Angeles, na ang nominasyon ni Lotilla ay na nakabinbin pa rin dahil sa kailangan pa ang paglilinaw ng employment status nito.
Kasalukuyan kasi si Lotilla ay independent director ng Aboitiz Power at ENEXOR .
Isinaad ni Angeles ang Section 8 of Republic Act 7638, o Act Creating the Department of Energy, na ang mga individual na mula sa private companies na nasa energy industry na itatalaga bilang kalihim ay dapat dalawang taon pagkatapos ng kanilang retirement, resignation o ang pag-alis sa kumpanyang kanilang pinagtatrabahuan.
Magugunitang si Lotilla ay nagtrabaho rin bilang director general ng National Economic Development Authority (NEDA) mula 1996 hanggang 2004 naging DOE Secretary din siya mula 2005 hanggang 2007 sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.