-- Advertisements --
Patay matapos pagbabarilin ang nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist (ABP) na si Leninsky Bacud.
Nangyari ang insidente nitong hapon ng Lunes, Abril 28, 2025 sa P.Guevarra St., Barangay 435 , Maynila kung saan ang biktima ay isa ring dating punong barangay sa lugar.
Naka-engkuwentro rin ng mga hindi kilalang mga suspek ang isang pulis na residente ng lugar kung saan tinamaan ng bala ang ilang mga nakaparadang sasakyan doon.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring insidente.