CAGAYAN DE ORO CITY – Malaking bintahe para sa Armed Forces of the Philippines ang umano’y pag-ayaw ang Communist Party of the Philippines na magpatupad ng unilateral ceasefire sa pagitan ng gobyerno habang nasa yuletuide season ang bansa.
Ito’y sapagkat maipagpatuloy ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na pabagsakin ng tuluyan ang arm wing ng CPP na New People’s Army na nasa likod ng maraming sabotahe at panggugulo sa lipunan para mapansin at itakwil ang demokrasyang-sistema ng pamahaan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Philippine Army spokesperson Col.Louie Dema-ala na hindi kawalan ng gobyerno na pag-iwas ng CPP-NPA ng tigil-putukan dahil obligasyon ng puwersa ng estado na pangalagaan ang pangkalahatan na seguridad ng bansa laban sa anumang grupo na nais magpabagsak nito.
Sinabi ni Dema-ala na malinaw ang kautusan ng Philippine commander-in-chief na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na kung maari ay tuluyan ng mawakasan ang CPP-NPA sa loob ng taong ito para makatutok na sila sa aspeto ng external security concern ng bansa.
Bombo CDO