-- Advertisements --

ROXAS CITY – Pansamantalang niluwagan ang ilang restrictions sa United Arab Emirates (UAE) sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID19).

Sa report ni Bombo international correspondent Jonalyn Abucay Regala, nagtatrabaho sa UAE pansamantalang binuksan sa publiko ang ilang non-essential establishments, mall at restaurants ngunit limitado lamang ang oras ng pagbukas ng mga ito.

Binawasan din umano ang curfew hours kasunod ng pagpapahintulot sa mga residente na lumabas ng bahay kahit walang dalang moving permit.

Nabatid na ang pag-obserba ng Ramadan ang sinasabing dahilan ng pansamantalang pagluwag sa ilang restrictions sa naturang bansa