-- Advertisements --

Umapela ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na iwasan muna ang pagtungo sa mga lugar na lubhang apektado sa pananalasa ng bagyong Marce.

Ayon sa OCD, nananatili ang panganib sa maraming lugar dahil na rin sa maraming istrakturang nasira, tulad ng mga kalsada, at mga tulay na patuloy ngayong isinasailalim sa assessment.

Ayon sa ahensiya, kung hindi naman ‘essential travel’ ang pagtungo sa mga ito, makabubuting iwasan na muna.

Ayon sa Department of Public Works and Highways, patuloy na sinusuri ang structural integrity sa mga naturang istraktura.

Marami sa mga ito ay mga kalsadang mula sa probinsya ng Batanes, Cagayan, at Ilocos Region, tulad ng Manila North Road at ilang road section sa Cagayan Valley Road.

Sa Cordillera, patuloy din ang assessment sa mga road section na una nang nagkaroon ng pagguho ng lupa.

Patuloy naman ang ginagawa ng DPWH na pagsusuri sa mga naturang istraktura para sa akmang tugon.