-- Advertisements --

Sisibakin sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief  General Dionardo Carlos ang mga field commanders na hindi maayos ang trabaho.


Ito’y habang papalapit ang eleksyon 2022.

Ayon kay Carlos, maraming pulis ang maaring ipalit sa mga opisyal na hindi nakikiisa sa hangarin ng PNP para matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa nalalapit na halalan.

Paliwanag ni PNP Chief hindi ito panahon para mag-relax kaya patuloy silang nagsasagawa ng assesment sa trabaho ng mga field commander.

Kailangan kasi na sa panahon ng eleksyon, lahat ay nagtatrabaho sa kanilang hanay.

Samantala, muli namang iginiit ni Carlos na puspusan ang kanilang paghahanda sa eleksyon.

Kasama rito ang kampanya laban sa private armed groups, loose firearms at mga pulitiko na gumagamit ng iligal na gwardya para manakot.